Ulan

(Got this prompt from Sedric. Just some very needed literary catharsis.)

Gusto kong magpaulan.

Gusto kong bumigay ang langit

At lunurin ako sa kanyang nararamdaman.

Sa isang bagsak na halos wala ka nang makita

Isang kumot na nagbubura –

Doon ako lalabas, mapag-isa

At mawawala, mag-isa.

Doon ako tatakbo at sasayaw,

Sa gitna ng Roxas Boulevard

Habang ang mga alon ay bumabagsak

Ilang metro lang ang layo sa akin.

Kakanta ako at aarte,

Sa harap ng CCP –

Ibibigay ko ang pinakamagandang pagganap ko

Sa nagkakawayang puno at naghuhumiyaw na langit.

At sa Quirino Grandstand

Isisigaw ko na mahal kita,

Hanggang mawala ang aking boses,

Hanggang wala na akong masabi.

At kapag tumigil na ang ulan,

Maglalakad ako pauwi, mag-isa.

At babalik ako sa aking kinalulugaran, mapag-isa.

At kapag may nagtanong:

“Anong ginawa mo?”

Ako’y sasagot:

“Nagpaulan.”

Yun lamang.

Yun lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s